Aktor na si Coco Martin kumambyo at Nag-sorry kay Solicitor General Calida at sa Lahat
Loading...
Kamakailan lang ay naging laman ng social media ang tungkol sa pagsara ng isa sa pinakamalaking tv network sa bansa na ang ABS-CBN network.
Matatandaan na nag labas ng cease-and-desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) na naguutos na tumigil sila sa pag-eeri.
Marami ang nagpahayag ng suporta sa naturang estasyon at kasama na rin ang mga iba’t ibang kilalang celebrity sa bansa na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring ito.
Isa na jan ang leading man ng ‘Ang Probinsyano’ na si Coco Martin nagpalabas siya ng galit at panay ang pambabatikos niya sa mga taong nasa likod ng pagsasara ng naturang estasyon.
Loading...
Ngunit matapos ang ilang araw, biglang atras ang naging pahayag ng aktor na si Coco Martin o mas kilala bilang ‘Cardo Dalisay’ na kung saan humingi ito ng paumanhin kay Solicitor General Jose Calida kaugnay narin sa pagsasara ng ABS-CBN.
Ayon sa social media post ng aktor, naiintindihan umano nito ang ginawa ni Calida dahil tinutupad lamang umano nito ang kanyang trabaho ng balaan niya ang National Telecommunications Commission (NTC) na huwag payagang mag-operate ang naturang estasyon.
Paliwanag pa ng aktor, nadala lang umano siya ng bugso ng damdamin kaya niya nasabi ang mga iyon.
“Alam ko po na mabuti kayong tao. Kung ano man po ang inyong nagawa maaring tawag po ‘yon ng inyong tungkulin. Ganon din po kami napakasakit na isang araw na malalaman mo na wala ka nang trabaho at sarado na ang kumpanya na pinagkakautangan mo ng loob!.” saad pa ng aktor.
“Pasensya na po kao kung may mga nasabi po kami na galit sa aming dibdib at sana maunawaan niyo din po ‘yon,” dagdag pa nito.
“Ipag darasal ko na lumiwanag po sana ang inyong isipan at kung sino man po ang nag utos na inyo! kung sakaling dina po kami makabalik maraming maraming salamat po sa inyong lahat! Sa lahat ng sumubaybay sa halos limang taon sa aming teleserye!,” sabi pa ng aktor.
Loading...
{SOURCE}
© Central Balita PH
Like and Share!
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of newscitizenphil.blogspot.com. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. This site/blog shall not be responsible for any incorrect or inaccurate information, whether caused by website users or by any of the equipment or programming associated with or utilized in this website or by any technical or human error which may occur.
Loading...
No comments: